Ang pang-ngingibang bansa ay lagi nang namamalagi sa ating kultura ng dahil din sa iba-ibang dahi-dahilan. Sa pag daan ng panahon walang naging normal na pangingibangbansa sa storya ng ating bansa. Konti lamang sa ating mga kababayan ang gustong umalis sa ating bansa, bagkus umaabot na ito sa daan-daan, libo-libo at milyon-milyon na umaalis. Halimbawa: ang pangingibangbansa sa simula ng ikadalawangpung siglo at ang pangingibangbansa mula sa pamunuin ng mga nazista. Ang mga nag iibang bansa ay sinuri sa iba’t ibang grupo: ang pangunahing ay “mga migrante sa ekonomiya”, yung mga gustong iwanan ang sariling bansa para makahanap ng maayos na trabaho na may tamang suweldo o kaya para makahanap ng mas maiging pamumuhay at ang mga “Tumakas na mamamayan”, yung mga natakas sa kanilang bansa ng dahil sa gera o ng mga persekusyon.
Ang mga tao ay nangingibangbansa ng dahil sa pang-ekonomiyang kalagayan ng isang bansa. Karamihan sa mga bansa ay nag-aalok ng mas maayos na sahod para sa iisang parehas na trabaho at, ng dahil sa sitwasyon na ito, nagkakaroon ng agwat sa suweldo na palaki ng palaki.
Ang ilang mga bansa ay napakadali sa pagbabago ng klima dahil sa kanilang mga estilo ng buhay. Ang isang biglaang o pangmatagalang pagbabago sa kapaligiran ay maaaring ilagay ang pangunahing sektor sa isang krisis, na nakokompromiso ang kaginghawahan o siguradong kabuhayan ng lokal na populasyon.
Ang mga tao umaalis sa sarili nilang bansa gawa ng mga pang-politikang dahilan, katulad ng persekusyon, diskriminasyon, pang aabuso at lalo nang mga pananakit para parusahan ang mga natutol sa gobyerno. Kadalasan sa mga tao na galing sa ganitong kondisyon, ay sila din yung mga tumatakas mula sa gera, at dahil dito naghahanap sila ng mga bansa na nagbibigay ng mas mahusay na hanay ng mga karapatan upang makamit nila ang isang maayos na buhay.