Ang isang migrante ay ang isang taong pumupunta sa isang bansa mula sa isa pa, ang mga dahilan ay hindi kinakailangang may kaugnayan sa kondisyong panlipunan. Ang mga taong ito ay maaring malayang lumipat sa loob ng bansa ng walang mga paghihigpit ng ano man..
Ang isang takas ay isang taong tumatakbo palayo sa kanyang bansa dahil sa digmaan o paguusig, nangangahulugang ang taong ito ay pilit na tumatawid sa ibang bansa at hindi maaring bumalik sa kanyang bansa ng ligtas.
Ang asylum seeker ay isang tao na nagpasya na tumakas mula sa kanyang sariling bansa at nag-aplay sa ampunan, ang taong ito ay protektado ng internasyonal at hindi maaring ipadala pabalik.
Sa paglipas ng panahon, nawalan kami ng kamalayan sa sangkatauhan sa mga migrante at nakalimutan namin na tao rin sila. Ang bawat isa ay nararapat sa isang lugar upang mabuhay at makarandam ng kaligtasan, kung saan maaring makasama nila ang kanilang buong pamilya sa buo ng kanilang buhay. Maraming paraan para gawing regolar ang imigrasyon, ang isa sa mga ito ay ang pagpapapayag sa mga imigrante na makakuha ng isang pansamantalang trabaho: para matuto sila sa isang partikular na trabaho at pagkatapos kapag nakabalik na sila sa kanilang lugar, maari silang maging isang kapakipakinabang na mapagkukunan para sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagtatayo ng negosyo.